Ang Tambayan

 Ang Tambayan

(Isang Pag-gunita)

www.PinoyDen.com.ph formerly Tambayan.info was created last October 2, 2008, and because the blogger of this blog is a pure filipino by heart, magtatagalog na lang po ako.. Hahah

ayun, ang www.PinoyDen.com.ph ay unang Tinawag na Tambayan.info bago maging www.PinoyDen.com and later, nagkaroon ng karagdagang initials na .ph sa dulo.

October 2, 2008 ng maitatag ang Tambayan.info sa pangunguna ni aED na nakilala sa isa ding Pinoy Community Site dahil sa pagmomodify nya ng opera mini. Successful naman ang paglunch ng site na Tambayan.info sa tulong ng mga kaibigan nya. Eto ang isa sa mga unang post na ipinoste ng admin: 09-29-08 11:44 PM "Welcome! Please make yourself at home feel free
to post on any of our boards Since we are still a new forum some features you might expect
is not available just post
your requests on the Feedbacks Board and will do our best to deliver it to you! Thanks!"

Sa pinanggalingan na forum site ni aED, walang mobile view o yung tinatawag na view ng wireless application protocol o wap sa madaling sabi. Kaya madami ang bulong-bulungan at chismis na galing sa mga di mapagkakatiwalaang source na nagsabi na ito daw ang dahilan kaya noong October 2, 2008 ay inilunsad (kalalim ng tagalog) ni aED ang Wireless Application Protocol ng Tambayan.info. Ang hakbang na ito ay nagpapakita lamang na ang Tambayan.info ay hindi lamang isang website na ang maliligayahan lamang ay ang mga nakamouse at LCD monitor. Kundi pati ang mga naka cellphone lamang ang gamit ay madadalian at makabibisita ng walang hussle.

Later that night, dahil nga ang Tambayan.info ay nasa estado palang na maihahalintulad sa isang kantang hindi pa tapos isulat, pumasok sa matabang utak ng admin ang pagpapalit ng pangalan ng Tambayan.info. At dahil nasa pilipinas tayo. Botohan ang nangyari. Ewan ko lang kung nagkaroon ng dayaan. May nakapagbulong kasi sa akin na minanipula ni machete ang botohan. Kaya noong October 8, 2008, naiproklamang nanalo ang "PinoyDen" bilang bagong pangalan ng Tambayan.info. Ngunit dahil siguro o malamang na napamahal ang Tambayan sa lumikha. Ang PinoyDen ay kinilalang: "www.PinoyDen.com ang Tambayan ng Pinoy"
Nagdaan ang mga araw, linggo, sabado, lunes, buwan, bituin, araw, patuloy na lumago ang mga member ng PD, Patuloy ang mga nagreregister araw araw. Hanggang sa dumating ang Unang buwan ng taong 2009. Napadalas ang pagdown ng PD. Error lagi. Hanggang sa nawala sa ere ang Tambayan. Maraming nagtaka, marami din naman ang kumalat ang balita, kesyo di na daw kaya ng admin, at walang pangtustos sa hosting fee. Ngunit lahat ng produkto ng malilikot nilang isip at maduduming dila ay isang haka haka lamang dahil January 25, 2008, bumalik ang PD. At sa di inaasahang pangyayari, ito pala ay binutingting ng mga taong walang magawa sa talento at pinagpraktisan ang munting Tambayan. Sa madaling sabi na-hack ang PD.
Ayon sa isang post ni aED,


Entitled: www.PinoyDen.com is BACK!!, Sinabi nya na “Good day to Everyone!!! As we all know, we experienced a significant downtime and inaccessibility to PinoyDen yesterday we cannot deny the whole truth behind this. Our community was compromised by some intelligent human beings, genius SCRIPTKIDDIES or whatever you may want to call them they
made some significant changes in our Den. We admit that it is in our part that committed mistakes and errors. Considering ourselves as PD staffs doesn’ t mean we are perfect and 100%
aware of what’ s happening around our community. We are all exerting our outermost effort on doing that for us to have a community the way we used to have and we would be having on years to come. We still do not know why they would do such thing in our community but whatever it is. It’ s still not a reason to do what they have done. We do admit he got such talent but recovering this community back from we had is way too hard to attain. And yes, we DID GET IT BACK, because we also got more talented staffs that are willing to devote time and effort on maintaining our community. Aside from that, why did we get this back? It’ s because of our members. Yes you who actively participating in our community. Also to the Members who also have the willingness to share for the benefits of everybody, members that keeps on supporting us through thick and thin. We did it get this community back because of you all. Anything and everything we can on our power. Trust us on this matter and rest assured that such another incident same as what would not happen again lets all help each other, let’ s stick on what we used to, and may it never end."
Ngayon, kung di mo naintindihan, ipapatranslate na lang natin kay aED ang speech nya. O kaya igoogle translate na lang. Nabawi ang PD sa mga kalaban. Ipinakita ng bumubuo ng PD na hindi lamang trip-trip ang
kanilang ginagawa sa pagpapanatili ng site. Lumipas ang mga buwan, nanatiling matatag ang PD, kahit paminsan minsan ay nagmamaintence.. Hangang sa magpost ang admin:


Title: PINOYDEN.COM SHUTTING DOWN

Date: 04-01-09 07:30 PM

Message: "Yeah right nabasa nyo ang TITLE
yun na yun andami kasing
sumisira at nahihirapan na ako
sa pagmaintain kaya isasara ko
nalang... ETA: Tonight 9:00 PM"

Maraming nagtaka kung bakit, yung iba naman dedma at wafakels lang. May ibang forum pa naman daw. Yung iba naman talagang nalungkot at nakidalamhati naman ang iba. Hanggang sa malaman nila na sila ay mga kawawang biktima at sumasakit na ang tiyan ng iba sa katatawa. April Fools Day pala. Hahaha
Nagdaan ang mga araw, hanggang sa may pangyayari na talagang nangyari dahil nangyari talaga. May coup de etat (kudeta) na naganap.

According to igoL's post last 05-12-09 06:34 AM, he says: "Marahil aware na po kayo sa nangyayare ngayon sa dalawang forum. Eto po ang message samen ni aED:

(Marami po ang agad na nagpm sakin nung nagopen ang PD at marami nagtatanong ano daw ang nangyari at marami din
nagkwento tungkol sa PMA at sa mga nabasa nila dun marami nagsabi na madami daw ang galit sakin at kung ano ano ang sinasabi sakin... pagkakaalam ko wala akong ginawa sa inyong masama para ganun ang sabihin
sakin... Matagal na pala ganun ang nasa isip nyo bakit di nyo sinasabi... Wala akong sama nang loob sa PMA lahat po tayo pwede natin gawin kung ano man ang naisin natin... May nagpm pa nga sakin tungkol dun sa PMA at naisip ko agad "wow hehehe ano kaya kung maging sister forums to" pero nung nagstart ako magbrowse dun... I was disappointed sa nabasa ko wala ako mgagawa yun ang gusto nyo sabihin eh... Nagtitiwala pa rin ako sa inyo pero kung ayaw nyo na mapabilang sa PD pm nyo nalang po ako para malinaw...)

sa same topic, dinagdag ni igoLman:
"Ngayon kung may nareceived kayong PM na ganito na galing kay jhetcola:

(hello this is someone you knew we would like to invite you to join here at http://***.net more modded applications, more fun, good modders and a lot more most specially you are always updated. nagtipon tipon na ang magagaling na modder sa isang site. saan kapa? mag ttiyaga ka nalang ba sa pinoyden na lagi maintenance? sa http://***.net ok na ok diyan si superben owner niyan
magaling na modder ng mga applications na gamit niyo lumipat nadin si amnher, paige not founds at iba pa saan kapa? nandun nadin modder ng *** sige na lipat na http://***.net Regards, Team... hackerian..
long live hackers madami na ako na hack na account dito. nakahanap na din ako ng kakampi ko aED isara mo na forum mo wala ka kasing kwenta!!! konti nalang makakaganti na ako ano? kala mo kaya mo ako?)

(Note from the blogger: lahat ng "***" ay badwords kaya napagdesisyunan ko na wag ipakita para sa mga batang mambabasa)

pagpapatuloy ni igoLman: "Napapansin nyo na may hackerian na ibig na hack ang account nya sinasabe ko po wala po itong katotohanan dahil ang admin ng site na ito ay may kakayahan madetect ang ip ng gumagamit ng account.Kung sa tingin nyong hacker ang gumagamit baket shared ang ip nila ni jhetcola.Yun na lamang po
ang isipin nyo. Hindi naman po kame nagsasalita ng kahit ano tungkol sa PMA,makikita nyo naman na
kasale rin ako run at nagrereferrer din ng members kasi kahit sa ganong paraan makatulong ako kay superben
kasi maganda ang motibo nya kaya ginawa nya ang site na yun.Kapag nandito nga kayo PiniPiem nyo ang ibang pa nameng members,hinahayaan na po namin kayo diba.Hindi naman po kame mahigpit rito alam nyo
yan,pero bakit sa kabila ng pinapakita naming kabaitan sa inyo,may naririnig pa rin kameng mga salita na masasakit galing sa inyo.Wala naman pong personalan pare-pareho lang tayo nagfoforum eh.Kung may hinanakit tayo sa isang tao,wag ng mangdamay ng iba.Let there be peace. my two cents"

O di ba? Pati sa pagpoforum, nababahiran ng politics. Nagdaan pa ang mga araw ng PD, at naging matiwasay naman. Kahit paminsan minsan ay may mga fans na dumadalaw at nagpaparamdam. May mga issue na lumalabas at di lumalabas. Mga debate na di maiiwasan dahil masarap patulan, at mga bangayan dahil sa di paghit ng thanks button.
Nagcelebrate ang PD ng unang anibersaryo nito, kahit may kalungkutan dahil sa palaging maintenance. Sa unang anibersaryo ay inilunsan ng admin ang PD Mail. Ano ba ito?

Posted by aED: "Dahil 1 year na tayo may bagong service ang PD para sa mga members ito ay ang free e-mail service pwede mo nang iregister ang gusto mong email address gaya nang you@pinoyden.com Ano pang hinihintay nyo register na http:// mail.pinoyden.com.ph/ Note: You should not register an email address using someone else user name."

Lumipas pa ang mga araw, naging maayos ang PD, maraming mga datihang staff ang nawala, kung ano ang dahilan, aba'y malay ko. Nagteleport siguro. Di rin naiwasan na merong mga "manunulot" o yung mga nagreregister ng account para lang magadvertise ng mga bagong forum. May mga members na nilisan ang PD para magkaroon ng sarili nilang Forum Site. Ang sama, nagaadvert sa PD. Hahah sasabihin na walang kwenta ang PD pero dun naman sila advert ng advert. Anak ng patis.

Lumipas pa ang panahon, matiwasay ang buhay ng munting tambayan, hanggang sa dumating si machete at binulabog ang chatbox. Ang kaisa isahang member na talaga namang dedikado sa pagshout sa shoutbox. May mga nagsasabi na isa syang bot. Ngunit ang sagot naman nya ay: "di ako bot! Ako ay isang tao na may puso at damdamin din!" hanggang sa kasalukuyan. Isa pa din itong issue na di nalulutas. Kung ano man ang mga sabi-sabi ay mananatili lamang na kathang isip. Marami din gustong magkaroon ng Opera Mini 6 ni machete, tulad ni babyPowdeR na matyagang nangungulit sa kanya.
Dahil sa talentado naman talaga ang admin ng PD. Inilabas niya ang kanya latest application known as PD-Proxy.

Title: PD-Proxy Trial Mode
Date: 07-21-10 07:53 PM
Message: "Sa wakas pinagpuyatan ko pa ito buti natapos na What is PD-Proxy? It is a tunneling software that
can secure your internet
connection by encrypting all
your connections to the
internet. It can remove/unblock content,
services and different websites
that is normally blocked by your
ISP. Gamit namin ito ni anna pang
browse sa mga sites na
restricted for US residents like http://hulu.com/ It can anonymize your
connection because nobody likes
to be spied on and tracked. it
will secure and encrypt your
connection especially if you use
public access internet such as Wifi, Hotel or Cell Phone internet.
Using PD-Proxy makes it
impossible for others to spy on
you, they can't even see what
sites you are visiting when you
are using PD-Proxy. And most of all you can use
it to browse the internet for free."

Maraming natuwa at excited, syempre una na diyan ang mga member. Pero kung bakit may mga kontrabida talaga na hindi yata kumpleto araw nila ng hindi naninira ng ibang tao, kesyo kopya lang daw ng PD ang PD PROXY sa iba. Wafakels naman si admin diyan. Ang isang puno na madaming bunga ay binabato at pinagnanakawan ng bunga.

Higit isang buwan bago sumapit ang ikalawang anibersaryo ng PD, nagulat ang lahat ng makita ang kakaibang banner/logo at hostname ng tambayan nila, hanggang sa magpost ang admin:

Title: What is PinoyHub.PH?
Date: 08-21-10 02:52 PM
Message: Hi everyone! We will be rebranding
PinoyDen.com to PinoyHub.PH this decision is still not finalized
but you can already used our
new domain to enter our site.... More information will be posted
soon once everything is
finalized... Thank you

Maraming negative feedbacks, meron din namang nagsabi na "okay lang, mahalaga merong tambayan"..Dahil sa mga naglalabang mga opinyon ng members, at dahil ang tinig ng mga member ay mahalaga sa admin, napagdesisyunan nya na gumawa ng poll kung ano ang dapat gamiting pangalan ng PD. Ayaw kasi yata ng iba na maging PH ang PD. Para daw kasing pH care. At tulad ng dati, nagwagi ang ang PinoyDen bilang pangalan ng site, ngunit sa pagkakataong ito, ang dating www.PinoyDen.com ay nadagdagan ng .ph sa dulo upang maging: www.PinoyDen.com.ph. At tulad din ng dati, kumalat na naman ang issue na dinoktor ni machete ang botohan.

Hanggang ngayon ay umeere pa din ang PinoyDen.com.ph, so as machete. Hindi man maituturing na numero uno sa statistics, ngunit para sa mga myembro nito, PD will always be PD. Hindi lang basta modded application o source ng libreng text o load. Hindi lang kuhanan ng mga cracked applications at libreng games. Hindi lang taguan ng browsing tricks at opera mini. PD is PinoyDen. Den ng Pinoy. Isang tahanan kung saan nagkakatagpo tagpo ang maraming tao na magkakalayo. Ang Tambayan ng Pinoy!